November 18-20, 2011
Walang pahinga, gate crasher pa.
Ito na talaga ang araw na pinaka-aantay ni Robert. Ang araw ng kanilang kasal. Dahil sa di inaasahang pagkakataon, nagkulang ng tauhan sa kasal. Buti nalang isang tawag lang si Bonne para mag-proxy. Bait talaga ng pagkakataon.
Ang kasal ay gaganapin sa Dasmarinas, Cavite (este Reception pala) kya mula sa bahay ng kapatid ni Bonne sa Imus maaga kaming umalis ng bahay para sunduin ang groom sa Dasma bayan kasi ang sasakyan na aming inupahan ay gagawin pang Bridal Car. Ito din ang kauna-unahan naming pumasok sa bayan ng Dasma. Nakakatuwa lang kc ang liit pala ng bayan. Mas malaki pa ang sa highway kung saan nandon ang SM Dasma at Robinsons Dasma.
Out muna ako sa bayan, sa kasal muna tayo. Habang nag-aantay sa Bride at sa pag-aayos ng simbahay dahil ito'y kasalukuyang ginagamit para sa isang binyag, naghanap muna kami ng makainan kc wala pa kaming agahan. Pero wala kaming nakitang kainan kya huminto nalang kami sa isang tindahan at bumili nalang ng cup noddles. Sakto na yon pantawid gutom. Hehehe.. Tapos ng kumain, balik na tyo sa simbahan.
Di parin tapos ng binyag kya nagbihis muna kami. Picture picture muna. mayamaya ng kunti dumating na ang Mommy ni Robert. Ayon si mother, makulit din pala. Di mapagkailang anak nga nya si Robert sa kakulitan. Hahahaha.. natawa daw ako dito. Well, totoo un.
Sa wakas natapos na din ang binyag kya prepare na din kami sa simbahan. Ngayon palang maglalagay ng dekorasyon, oh san ka pa. Hehehe. Ilang sandali lang dumating na din ang ibang mga abay. mga ilang minuto lang dumating na din ang magandang Bride. Dito ko na nakita ang di maipintang mukha ni Robert. Mukhang ewan sa kaba.
Noong nagsimula na ang kasal, kahit papaano kumalma na ng kunti mukha ni Robert. Dahil ito na tlga. Wala ng atrasan to.
Ang ganda tlga ng Bride. Habang lumalakad papuntang altar, masasabi mo tlga na sya ang pinakamagada sa loob ng simbahang yon.
Natapos na ang kasal kya picture picture na. Si Ms Girlie ang ginawa naming photographer bukod sa kinuha nilang photographer. Syempre ang kuha namin ay para pang photo sharing lang. hehehe. Biglang nagbago ang mood ng photographer namin ng hinawi ng isang photographer dahil nahaharangan ito. Ayon, sira na ang araw. Paano ba naman kc sinabihan ba namang, "ang braso mo ms, tabi ng konti" yon oh. Hahahaha..
Uwian na nga lang. Driver namin si Edlen at syempre sa Bridal Car kami nakasakay. Hahahaha.. Walang ibang masakyan eh. At isa pa, un din ang sasakyang hiniram namin. Kulitan papuntang reception. May nadaanan pa kaming madaming bebe sa daan kya medyo nag-slow-down muna si Edlen para ag picture picture pero dahil makipot ang daan kya di kami pwedeng huminto kc may mga nakasunod sa aming sasakyan kya tuloy lang. Sobrang saya lang isipin na sakal este kasal na tlga si Robert.
Congrats Robert. We're happy for you. We wish you all the best. We love you both.
November 18, 2011
Tagaytay City
November 19, 2011
Preparation before the wedding @ Imus, Cavite
Breakfast (cup noodles)
Picture picture muha habang naghihintay magsimula!
Tagaytay Picnic Grove, Tagaytay City
Lemery, Batangas
Dinner @ Shakey's, Sta. Rosa. Laguna