Showing posts with label Marikina City. Show all posts
Showing posts with label Marikina City. Show all posts

Bonding with Jay

March 1, 2014
Marikina City

Nagkita kami ni Jay sa SM Marikina para magpalit ng account name sa Globe Telecom. Tapos nakita namin si Paolo Onesa, promoting his debut album Pop Goes Standards kya nagpa-picture na din ako. Hehehe.. Nagtanong pa nga si Jay, "Sino yan?", ouch naman, kung maka-"sino yan" wagas. Well paliwanag naman ako to the max

Ang tagal namin ni Jay sa Globe kc ang bagal ng service. Kung sabagay nasa customer service kasi hindi naman pwedeng madaliin ang mga nagrereklamo kaya ayon, hintay to the max.

Nagutom kami kya kain na muna kami. Sa Dampa daw kami kakain at dahil matagal na daw gusto dumaan ni Jay sa may river kya doon kami dumaan para matupad naman pangarap ni Jay. LOL! Ang daming nagdi-date, halikan dito, harutan doon. Hayz!

Pagdating sa dampa, kumain kami sa Ilocano's Fortune Grill. Pagkatapos kumain, nagbabalak pa si Jay na kumain ng ice cream kaso sarado na ang ice cream parlor sa malapit kaya ayon umuwi nalang kami.
Sumakay kami ng jeep to Calumpang tapos from Calumpang nilakad namin hanggang Jollibee-Ligaya para lang mag-CR hanggang Mcdo-Santolan para lang sa ice cream ni Jay. Hahaha.. Saan ka pa! Ang saya lang. Sa uulitin!

Happy Birthday Edlen!

August 27, 2012

Volleyball competition nina Jay at Ms Honey. Panalo sina Jay pero talo sina Ms Honey. Di ako nakadalo kc tinatamad akong kumilos. Hayz, ilang weekends na din akong ganito. Kung hindi lang birthday ni Edlen di ako pupunta. Hahaha.

Pagdating sa bahay nina Edlen, kami lang pala talaga + 3 friends from Hush Puppies. Kain lang, kunting inom, kwentuhan, tawanan tapos uwian na. Di na kc umiinom si Jay kc nagbagong relihiyon na. Bawal na daw. Ok!

SM Marikina


SM Marikina (December 6, 2011)

December 7, 2011 (ng madaling araw)

SM Guard: May inaantay pa po kyo ma'am? Kc sarado na po ang gate. Wala na pong Makapasok na taxi dito.
Gels: Sige ho, ok lang. Sa kabila nalang ho kami dadaan. Lakarin nalang ho namin.
(bumalik ulit same spills. hahaha.. ang kukulit kc ng mga to, walang balak umuwi)

Hayz! ganito talaga kapag so much to catch up for. Daming napag-usapan. Kadalasan mga walang kwentang bagay pero sarap pagtawanan. Ano nga ba ang sense kung bakit kami nagkita-kita ang hang-out. Nanjan lagi ang usapan na walang katuturan, asaran, kulitan, tawanan, minsan iyakan at syempre di nawawala ang picture-picture.

Kailangan mo alerto sa lahat ng pose mo dahil kasama nyo ay paparazzi. Hehehe.. Sino nga ba un? Nyahaha.

First Tagaytay Trip


June 23, 2010

It started with an invitation of Edlen to join them with Ms Girlie for a coffee. Sabi pa ni Edlen kung sino daw isasama ko, sabi ko si Jay. Bago palang kc noon si Jay sa company at medyo magaan ang loob nya sa akin kya gusto ko din syang makilala. Kaya nabuo kaming 4 (Norbet, Jay, Edlen & Ms Girlie).

Nagpunta kami sa SM Marikina. Kumain ng hapunan sa KFC tapos nag-kape sa Starbucks. First time ko noong mag-starbucks at ganun din pala si Jay. 
Jay, Encef and Ms Girlie @ SM Marikina
May dinadalang problema si Ms Girlie that time. Kailangan namin syang samahan. Since di pa kami magkakilala talaga, kya medyo pagpapakilala lang muna sa isa't isa. Tanong ng mga personal na buhay. Likes and dislikes. Kumbaga parang slambook ang nangyari. Hahahaha.. Kwentuhan, tawanan hanggang sa nagkabiruang punta ng Subic hanggang sa nagkayayaang mag-Tagaytay. Hindi pa ako nakapunta sa Tagaytay kya sabi ko, sige gusto ko yon. Sa di inaasahang pagkakataon, ganun din pala si Jay. Biruin mo nga naman, madami kaming first time na nangyari na sabay naming naranasan. 

First time lumabas kasama sina Edlen at Ms Girlie, mag-starbucks, gumala after office hours. Kc ako personally di ko pa naranasan un kc sa dati kong work malayo ang work ko kya puyat na puyat na ako pagdating sa bahay.

Kya ayon na, nag-agree ang lahat na go kami sa Tagaytay. Sa madaling sabi kahit na medyo lumalalim na ang gabi ay go parin kami. Pagkataon nga naman, wala ang GF ni Edlen sa bahay at may service sya kya pwede kaming umalis. 

At dito nagsisimula ang pagkakaibigan namin apat.
Encef and Jay @ Tagaytay
Ahahaha.. Di ko makita ang pictures na kasama sina Ms Girl at Edlen. Parang kami lang pala ni Jay. Un oh!