Happy Birthday Edlen!

August 27, 2012

Volleyball competition nina Jay at Ms Honey. Panalo sina Jay pero talo sina Ms Honey. Di ako nakadalo kc tinatamad akong kumilos. Hayz, ilang weekends na din akong ganito. Kung hindi lang birthday ni Edlen di ako pupunta. Hahaha.

Pagdating sa bahay nina Edlen, kami lang pala talaga + 3 friends from Hush Puppies. Kain lang, kunting inom, kwentuhan, tawanan tapos uwian na. Di na kc umiinom si Jay kc nagbagong relihiyon na. Bawal na daw. Ok!

First time in Global City


July 23, 2012
The Fort - Stopover, 32nd Street corner Rizal Drive, Global City,  Taguig City

The last time we check, we wanted to go here since we never been in this place. At ito na un. Nagkayayaan lang. Nag-dinner kami sa KFC. Naligaw pa si Leo dahil sa maling direction. Hahaha! Paano ba naman kc madaming branches ang starbucks sa iisang street kya ayon, ligaw. Nyahahaha.

May kasama si Ms Girl na dalawang babae. Ang isa pala don ay sadyang ipakilala nya kay Edlen. Cute lang kc nalaman namin un pauwi na kami. Well.

Napag-usapan ang pagbalik sa Bicol since merong long weekend sa darating na August kaso di naman daw pwede si Jay ng Linggo kya na-move ang alis ng mula Linggo ng gabi hanggang Martes. Hmmmp, kumusta naman un. Ang tanong matutuloy kaya un? Tingnan nalang natin. Ang unang plano ay sa Ilocos Norte kaso tatlong araw lang pwede kya Bicol nalang. Nalang daw oh. Pero sana this time walang bagyo para makarating na din kami sa Caramoan Island. Cool! Excited!

Ayokong isipin ang gastos kc sumasakit ang bangs ko. Hahaha

The unexpected gathering.. (the reunion?)

July 7, 2012

It all started from the invites between Ms Girlie and Rich to have coffee one day. Ms Girl opened-up the idea to the group and Edlen responded positively (partida pa, may sakit). Cool! As usual, Jay did not respond to the text message because got no load. Hahaha.

Original meeting place: Starbucks-Veranda (Robinsons Galleria). Last minute it was changed to Araneta, Cubao. What's new? Dito ata kami magaling, pabago-bago isip. 

FHM cover girl Jackie Rice's autograph signing at Robinsons Galleria Movieworld, kya dumaan ako para sana magpapirma pero haba ng pila eh kya di na din ako tumuloy. 

Dumiretso na ako sa Cubao, unfortunately super traffic. Ang kadahilanan ay ang bagong patakaran ng MMDA na bawal sa flyover ang mga bus dahil sa mga recent accidents sa EDSA. Ayon, buhol-buhol na traffic.

Pagdating ko sa Cubao di ko pa alam ang meeting place. nagtext ako kung saan sila i-meet. Ang sabi lang sa akin ay sa KFC daw sila. Am, wait lang ah, ilang KFC ba meron sa Cubao? Hayz.. Una kong pinuntahan sa Telus pero wala sila doon. Tumawag sila pero lowbat ako kya di ko na sinagot ng matagal, sabi ko text text nalang. Sa call may nabanggit na P. Tuazon kya tinanong ko nalang sa cashier kung paano papunta doon. Dahil medyo matagal ang text, lumakad na ako going P. Tuazon pero pagdating ko doon wala sila. Nagtext pala sila at ang sabi "dumeretso ka then pag may nakita kang stop light kaliwa. then deretso til you reach kfc". Linaw diba? Kya ang reply ko nalang "Wala kyo dito sa P. Tuazon, right?" saka pa sinabi sa akin na nasa Shopwise sila. Ayon oh, un lang sana ang hinintay kong direction. Ano ba yan.

Nakarating din sa wakas, naabutan ko pa si Ma'am Honey. Pero umalis lang din agad kc may ibang lakad. 

Kya tumuloy na kami sa Starbucks. Order coffee, chikahan at tawanan all night. Hanggang sa nagutom ulit kc pala super late na kc 1:00am  na pala. Naghahanap kami ng lugawan. Pero nag decide na mag-Chowking congee nalang. Pagdating sa Chowking, puno sa tao dahil concert pala ni Sarah Geronimo sa Araneta kya madaming tao ang kumakain. Lumipat nalang kami sa Aurora Blvd. Chowking parin. Umorder na ako ng chowfan kc wala pa akong hapunan, pero wala pala silang congee. Malas naman. Pero tuloy nalang kc naka-order na. 

Kain, chikka, tawa. hayz.. Nakauwi kami 3am na. Galing! Hahahaha..

Snow White & the Huntsman


June 6, 2012

Free daw si Ms Girl to meet us kya nag-text sya sa akin para kunin ang gift nya from Ashie (Mug). Syempre inimbitahan ko na din ang grupo kaso si Jay lang daw ang pwede. Kya kita-kits nalang kami sa Robinsons Galeria. Nauna akong dumating doon. Hanap muna ako ng ATM para maka-withdraw pero walang pera ang BPI sa 3rd floor ganun din sa ground floor. Umupo muna ako sa foodcourt para hintayin sila habang iniisip kung saan ako kakain na tatanggap ng Credit Card kc wala akong cash. Naunang nag-text si Jay kya sinalubong ko nalang sya para umakyat kami sa 3rd floor para sa Red Ribbon nalang kami kumain. Syempre, di mawawala ang paborito kung "Bangus ala Pobre with Ultimate Chocolate Cake".

Habang hinihintay ung pagkain namin, dumating na si Ms Girl. Kwentuhan muna. Labasan ng mga nararamdaman sa buhay. Mabigat sa damdamin ang mga napag-usapan kya di magandang balikan. Nakalimutan ko na nga. Ano nga un? Chos!

Pagkatapos kumain nag decide kami manood nalang ng movie na Snow White and the Huntsman para kahit papaano ma-divert ung mabigat na nararamdaman sa dibdib. Ika nga,"watching movies is the best excuse to cry".

Ang ganda ng movie. Hanga ako sa pag-arte ni Charlize Theron (The Queen) kasi ramdam mo ang bawat hinanakit nya. Mga binitawan nyang salita. At naasar ako sa kanya. Patunay lang un na magaling talaga sya para mainis ka sa kanya.

Habang enjoy kami sa panonood, syempre umingay ng kunti, biglang may bading sa harapan namin tumalikod at sinitsitan kami at ang sabi "Ssssst.. Wag nga kayong maingay!" ay waw, bongga. Ang yabang ng lola mo, kung makasitsit kala mo aso lang kami. Pwede namang makisuyo o di kya mahinahong sabihan kami diba? Hay nako, matandang hughugin. Asar! GRRRRR! Panira moments! Pero wala kaming pakialam syo. PANGIT! Hahahaha.

CHARMED Marathon


May 12, 2012

After remembering the past and beautiful shows, Charmed on Studio 23 is one of them. So we've decided to gather and watch the show all over again.

From Friday night until Sunday, we're still in Season 2 out of 8 seasons. Wow, no sleep, literally! It was nice to watch and laugh the show one more time. Their lines makes us laugh all.  Do we need to call for another weekend for this? Hmmm.. Let's see.
Encef, Rich, Girlie and Jay

Happy Birthday Jay

May 3, 2012

Birthday ni Jay kya nagkayayaang lumabas. Actually, ako ang nagyayang lumabas dahil may mga pasalubong ako dahil kararating ko lang galing ng Zamboanga. At dahil birthday ni Jay, sinulit nalang ang pagkakataong ito para magkasama-sama ulit. Unfortunately, di pwede ang iba kya okay lang.

Robinsons Galleria, Movieworld ang tagpuan kya picture picture muna. hehehe. Kapapanood lang pala ni Ms Girl ng The Avengers habang naghihintay sa amin. Musta naman un. Ganun kami katagal dumating. Hahaha, what's new. Chos! Di naman.

Kumain kami sa Greenwich (Barkada treat para mura), Jay's treat syempre. Kya maraming salamat sa Treat Jay. Sa uulitin ha?

Tapos kwentuhan. Kamushanan. Picturan. Tagal ng di nagkita eh. Nyahahaha.

Mahaba pa ang gabi kya deretso na sa Starbucks para ituloy ang kwentuhan, tawanan at kulitan. Tapos humabol si Rich. Lumalim na ang gabi pero puno puno parin ang kwentuhan parang kauumpisa lang kya lang magsasara na po ang Starbucks. hayzzz.. Picture muna bago alis.

Di pa kya tapos ang kwentuhan, sige lipat nalang tyo. Kya lumipat kami sa gilid ng National Bookstore at doon pinagpatuloy ang kwentuhan. Hanggang nauwi ang usapan sa mga cartoons, movies at TV series. Kumusta naman un? Ang daming TV Series pero nagtapos ang usapan sa CHARMED. May part 2 ba to? Well, palagay ko magkakaroon ng film viewing this weekend ng CHARMED. Ayt! Aabangan ko yan. Sino sino kya ang makakasama? Nang-imbita ba kyo? Mukhang exciting ito. Excited na ako. Excited na akong di matulog ulit. Hahahaha.. Puyatan ito sa weekend. Kumusta naman un.

The Avengers


April 25, 2012
Robinsons Galleria, EDSA Corner Ortigas Ave., Quezon City
 
This is our first time to watch a movie in the first day of showing. I almost can't believe it that I have to fall in line for more than an hour just to get a ticket. Imagine how long that line was. My legs were aching. I wanted to sit down but I can't coz I might lose the line. I almost quit. Good thing, Jay were there to join me. Rich came right before I got battery empty.

Hmm, honestly, I did not watch the entire movie of Iron man 1 & 2. Maybe I've seen part of it but not the entire movie. I've watched Captain America in theater but I get bored with it (sorry to the loyal fans, but that's the truth) and fell asleep in the movie hauz. My bad.

Then why I wanted to watch it on the first day of showing? I have few simple reasons in store: 
1. Because of Chris Evans (He's also the reason why I watched Captain America)
2. Because of Scarlett Johansson
3. Because of Jeremy Renner
4. Because the Philippines is a week advantage from America and the rest of the world
5. Because its been talk-of-the-town for months now
6. Because of too many famous actors in one movie

Of course, these reasons are not your reasons so please.. don't argue.

Is this movie worth to fall in line for more than an hour? For Php 300.00 (3D) includes popcorn and soda, YES! Its worth it. Super worth it! Full of action, from start to finish. All of the characters are so much unique from each other. I even think to get bored or will not be interested with one of the characters but I was wrong. The movies was also so funny. You will laugh at them. Literally! I can't get over with Hulk on what he did on Loki. I enjoyed it a lot. No regrets for falling in line for so long. Because of this, I'm planning to watch it again. And even can't wait to have a copy of DVD for this movie. Hayzzz.

Few lines from the movie that I will not forget:
Captain America: Big man in a suit of armor, take that away -- what are you?
Iron Man: Uh, genius billionaire playboy philanthropist

I miss you SMAFTS. Our movie bonding together. Can't wait to see you again.
Jay and Encef, falling in line

What's Up?



March 15, 2012
KFC, Kalentong, Sta. Ana, Manila

As much as possible I wanna post here the happy moments of the group. Unfortunately, in every relationship there is always the so-called "rocky road".
Ms Girl, Jay and Encef
 
We gather this time not because we just like to hang out but we would like to hear Ms. Girl's comment on the issue. I personally just want express my feelings. I wan to tell everybody that i'm not okay, that this is what I feel.

After hearing Jay's side this morning that he feels this way, I said to myself that we must go on with our life no matter what. This is just part of our life what we need to face the people we don't like simply because they did not do anything bad against us. After hearing Edlen's side of the story, I said okay i'm still at your back. After hearing Ms Girl's opinion I felt relieved. 

Thank you so much Ms Girl for always there to listen to each and everyone of us here. You are really our mediator. You are really the right person to go to when we need help. You always see the brighter side of every situation. You always make us realize of life. Thank you for being a good friend. Love ya.

Friday Night Out

January 6, 2011
May problema ka ba? Hehehe

Nagsimula ang lahat sa tanong "May alam ba kayong gamot para sa sakit sa ulo dala ng problema… sana pwedeng i-flush na lang noh?!" ayon nauwi sa ayaan sa Bottoms Up (Bar in Cainta) hanggang sa nagkasundo nalang sa Padi's Point Starmall.

At syemre bago makarating doon, ay kainan muna. Sa KFC kami naghapunan, picture picture, asaran at higit sa lahat tawanan.

Ang saya-saya namin dahil sa sobrang kulitan. Iba talaga kung may mga makukulit na kasama. Haha

Proceed na sa Padi's. Order, inom, taas kamay at sumigaw ka. Mang-agaw ng Mike sa DJ. Hahahaha
Lasing na kya sayawan na! Party! Party! Like, like, like!

KFC Starmall