July 7, 2012
It all started from the invites between Ms Girlie and Rich to have coffee one day. Ms Girl opened-up the idea to the group and Edlen responded positively (partida pa, may sakit). Cool! As usual, Jay did not respond to the text message because got no load. Hahaha.
Original meeting place: Starbucks-Veranda (Robinsons Galleria). Last minute it was changed to Araneta, Cubao. What's new? Dito ata kami magaling, pabago-bago isip.
FHM cover girl Jackie Rice's autograph signing at Robinsons Galleria Movieworld, kya dumaan ako para sana magpapirma pero haba ng pila eh kya di na din ako tumuloy.
Dumiretso na ako sa Cubao, unfortunately super traffic. Ang kadahilanan ay ang bagong patakaran ng MMDA na bawal sa flyover ang mga bus dahil sa mga recent accidents sa EDSA. Ayon, buhol-buhol na traffic.
Pagdating ko sa Cubao di ko pa alam ang meeting place. nagtext ako kung saan sila i-meet. Ang sabi lang sa akin ay sa KFC daw sila. Am, wait lang ah, ilang KFC ba meron sa Cubao? Hayz.. Una kong pinuntahan sa Telus pero wala sila doon. Tumawag sila pero lowbat ako kya di ko na sinagot ng matagal, sabi ko text text nalang. Sa call may nabanggit na P. Tuazon kya tinanong ko nalang sa cashier kung paano papunta doon. Dahil medyo matagal ang text, lumakad na ako going P. Tuazon pero pagdating ko doon wala sila. Nagtext pala sila at ang sabi "dumeretso ka then pag may nakita kang stop light kaliwa. then deretso til you reach kfc". Linaw diba? Kya ang reply ko nalang "Wala kyo dito sa P. Tuazon, right?" saka pa sinabi sa akin na nasa Shopwise sila. Ayon oh, un lang sana ang hinintay kong direction. Ano ba yan.
Nakarating din sa wakas, naabutan ko pa si Ma'am Honey. Pero umalis lang din agad kc may ibang lakad.
Kya tumuloy na kami sa Starbucks. Order coffee, chikahan at tawanan all night. Hanggang sa nagutom ulit kc pala super late na kc 1:00am na pala. Naghahanap kami ng lugawan. Pero nag decide na mag-Chowking congee nalang. Pagdating sa Chowking, puno sa tao dahil concert pala ni Sarah Geronimo sa Araneta kya madaming tao ang kumakain. Lumipat nalang kami sa Aurora Blvd. Chowking parin. Umorder na ako ng chowfan kc wala pa akong hapunan, pero wala pala silang congee. Malas naman. Pero tuloy nalang kc naka-order na.
Kain, chikka, tawa. hayz.. Nakauwi kami 3am na. Galing! Hahahaha..