Race For Life 2013


November 30, 2013
Bonifacio Global City, Taguig City

I think this is a yearly fun run for the scholars of Real LIFE Foundation. I am not into sports, but love to try anything (as long as not extreme). Ms Girlie invited us to join this event since this is also for a good cause. She was also part of this event last year.

We don't have warm-up actually, not even days before. In short, we came "not prepared"! We don't have water in hand. We simply just run for fun, specially me. At about 500 meters, I'm already looking for water. I was so thirsty already. There's no 24 hour stores along the street. Oh gosh, I thought I gonna faint that time. My hearth so aching badly. Catching my breath just like I'm dying (OA feelings but true). So I decided to just walk instead of running. Since we're buddy (Rich), he has no choice but to wait for me. So basically, we just run for 2 seconds, then walk for 3 minutes. Hahahaha! Until we've reached the water station in 2.5KM. Thank God, I was relieve after that! The water tasted like heaven (exaggerated). Then another run and walk until we reached finish line! Natapos din!

Overall, it was fun! For the first time, it's like, I have to race for my life. And I love to do it again! Hopefully next time, I'll be prepared!

Our place, out of 8,000+ runners for 5K (overall results):

Place - Number - Names

Solo
559 - 5711 - Ms Girlie

Buddy
1424 - 50602 - Alecs Nicole Maglaya & Josephine Ruth Lim
1662 - 50680 - Rich and I
PHOTO: http://www.igivetolife.com/race
Rich, Encef, Girlie, Nicole, Josephine, Jkeira and Ljhaie


A Productive Meeting!


November 22, 2013
Starbucks, Robinsons Galleria Veranda, EDSA Corner Ortigas Ave., Quezon City

So far this is the most productive meeting. And I guess everything is about to be finalized! And from now on, I'll be expecting more meetings to come. 

"Roll-up lang? Wala bang roll-down?" Waley hirit!

"At last, may part na din ako, taga compute" proud address of participation!

Shocks, kahit anong isip ko di ko na maalala ang ibang lines. Hahaha.. Update ko nalang to pag maalala ko na. Tulungan nyo nalang ako guys kung ano un.

Business Meeting (New Proposal)


November 15, 2013
Cafe Adriatico, Gateway Mall, Cubao, Quezon City

Serious business daw to! Pagkatapos ng isang naudlot na business, sana ito tuloy tuloy na! 

Pero bago un, ikwento ko lang na first time kong makapasok dito. I think kami lahat (just guessing). Restaurant talaga ito pero dahil may nakita kaming drinks sa labas kya pumasok na din kami. Binigyan kami ng menu pero di namin nakita ung mga inumin na un kc pala nasa separate na menu na hindi binigay sa amin. Hmmmp

I ordered Sans Rival Frost for P130. Super sweet kya super like! Perfect!

Ilang buwan na din kaming di nagkita-kita as a group kya super sayang makita bawat isa. Ang kulit lang kc kami lang ang maingay sa loob. Ginawang tambayan lang kc. Wala naman kami ibang order kundi drinks lang tapos kwentuhan na este business meeting (daw) na.

Sa uwian, napagtawan pa ang TBA na yan. Hahaha kulit! Naliligaw!

Pre-Happy Birthday Edlen!


August 26, 2013
Robinsons Galleria-Veranda, EDSA cor. Ortigas Ave., QC

It's Edlen's pre-birthday treat! Wow, gulat ako. Di ko inakala, promise! Paano ba naman kc may babala na walang treat na magaganap. Maybe kc late ako. Hahaha.. Akala ko ako na ang pinakahuling dadating un pala, ako talaga. Toinks! Kc ung taong nag-set ng meeting na to ay hindi nakarating kc nakalimutan daw. Ayon tuloy biglang nagkasakit. Ay teka lang, baka naman totoong nagkasakit, bigyan naman natin ng benefit of the doubt. LOL!

Anyways, Happy Birthday, Edlen! Thanks sa treat!
Hmmmp.. Meron bang taong inaalayan sa look na to?

Starbucks at 515 Shaw


July 26, 2013
515 Shaw, 1555 Shaw Blvd. corner Laurel St., Mandaluyong City
Harangan man ng ulan, matinding pila sa jeep ay hindi paawat ang pagpunta sa unang araw ng 515 Shaw branch. Natawa lang ako dito kc may nakasabay kami na kakilala ni Rich sa jeep. Ang sabi "Bakit doon pa, marami naman sa malapit, meron sa Megamall, meron jan oh sa harap (pointing Worldwide Corporate Center, Shaw Blvd.) at marami sa Ortigas". Well, ang hirap namang sagutin. Next question please!

Starbucks at Raffles Building


June 18, 2013
G/F Raffles Center Bldg. Emerald Ave. Ortigas Center, Pasig City

We found new tambayan. Hehehe.. As if naman bago lang to dito. Well, kami ung bago dito. Although this is not our first time here but this might be our new tambayan. Hehehe.

Thanks sa treat Ms Girl! I miss the old days. But it seems everyone is busy now. So ung libre lang ang pwede. Sino at ano na naman kaya ang magpapabuo ng ng grupo? I hope laging positive. Naalala ko lang kc ang huling nabuo ang grupo ay ang pagpapakilala ni Edlen sa kanyang iniirog. Ayayay!
 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
December 10, 2010

Dito ko nakuha ang 2011 Planner! At mukhang may nangyari pa dito kaso di ko na matandaan eh. Weh!

Ending, Robinsons Galleria!


May 20, 2013
Robinsons Galleria - Veranda

I kinda miss everyone of them. Good thing naisipan ni Ms Girl magpatawag ng coffee. Since mayroong bagong bukas na mall (SM Aura) na medyo malapit, sinaggest ko un. Accordingly, si Edlen ay on call sa bahay kaya di pwede, so sa Gateway, Cubao nalang daw. Meron akong babayarang bills kya kailangan maaga akong pumunta para makapag-ikot-ikot na din dahil matagal na ako hindi lumalabas ng bahay (even in the neighborhood). Pagdating na pagdating ko sa gateway, nagtext sa akin si Jay na sa Galleria nalang daw kc daw pupunta si Leo. Oh, well, nandoon na din lang ako, ikot-ikot muna ako sa mall hanggang sa hinanap ko nalang ang bago kong kinababaliwan ang Mango Cheesecake ng Blizzard! Yikz!
Wala palang Sun Cellular sa Gateway kya sa Robinsons Galleria nalang ako magbayad ng bill. Anyway, I think isa sa mga reason kung bakit di natuloy sa Gateway kc wala si Edlen. Aw! Treat ni Ms Girl coffee ko kya thank you so much. Nag-demmand pa ako ng Vanilla Cream - Venti (with the little help of SB coupon). LOL!
Hayz, bakit kya masaya kasama ang mga to kahit na walang napag-usapan kc busy ang lahat (Ms Girl sa laptop, Leo is working, Jay sa iPad so ako pretending sa maganda kong CP na walang cover). Just seeing them is more than enough to smile!

We Are Complete!


March 21, 2013
Starbucks Araneta, Cubao, QC

Hindi pangkaraniwan ang araw na to dahil may ipapakilala si Edlen sa Grupo. At dahil doon kumpleto kami. Ito palang ang pangalawang pagkakataon na kumplero ang SMAFTS. A rare moment!

Introducing Geraldyn Mae Lee, not yet an official girlfriend of Edlen (kasi sa 27th pa daw). Ah, di naman halata sa pictures eh. Mukhang ka-kilala nga lang nila eh. Hahaha.. Hula ko, bago maging official na mag-on sila nagkapalit na sila ng mukha. PEACE!

Naalala ko lang ang sinabi ni Jecelle kaninang umaga na nagulat sya kung bakit naka-polo si Edlen kc may date daw pala. Noong nakita ko nga, nagulat din ako. Mukhang pinaghandaan nga talaga ang araw na to. Nakz naman!

Nakaka-miss man ang ganitong pangyayari. Kaso di pwedeng magtagal ang karamihan kya nabitin ako sa pagkakataon. Parang ang dating tuloy every minute gusto mong i-treasure. Noong pagpaalam na sina Edlen kasama si Robert, umuwi na din kami. Shocks wala pa yatang isang oras kami magkasama.

Backtrack, si Leo naiinip ng maghintay sa amin sa SB dahil sa foodcourt ng Gateway kami nagkita-kita at kumain pa si Robert sa dala ni Ms Girl. Gusto ko pa din sana kumain kaso di na kami nakakain. Sabi pa nga ni Leo, nahihiya na daw sya sa mga nagtatanong ng upuan kc di nya binibigay dahil ni-reserve nya sa amin. Aw!

Leo is back!

March 8, 2013
Trampers Retailers, Inc.

Look who's with us? Leo is back! Oh, he just visited us for a cup of coffee. Hahaha!

First Meeting with Leo for 2013!


February 26, 2013
Veranda, Robinsons Galleria, QC

Nag-shopping si Leo tapos noong nagutom na sya, kumain muna sya sa Greenwich kya doon na namin sya kinatagpo. At dahil gutom na din kami ni Jay, kumain na din kami. Pagkatapos kumain dumiretso na kami sa SB. Doon na namin hinitay si Ms Girl. Sayang lang at di kami kumpleto. Di na tlga ata to mabuo. Hehehe..
Leo, Jay, Encef and Girlie

Happy Birthday Bonne!

February 5, 2013

Birthday ni Bonne kya let's celebrate! Ay wala pala sya, sige tyo nalang. Hehehe.. Nagkita-kita kami sa Market! Market! at kumain sa Shakey's, treat ni Ms Girl. Kasama namin ang tatlong officemates ni Ms Girl na dalawang OM at si Bam at kasama din namin ang kapatid ni Bonne na si Lyn. Daming pagkain kya super busog. Dahil di na naubos, binalot nalang ung iba. Pagkatapos kumain, nauna na ung mga officemates ni Ms Girl umuwi. Mukhang OP ba sila or sadyang awkward lang ung situation kc sila formal at kami jologs. Hahaha. Pag-alis nila, kulitan lang at tawanan. Pati ung waiter nakipagkulitan sa amin. Haha kulit lang. Pero dahil pasara na sila, kya lipat venue, this time Starbucks.

Balita ko libre parin ang drinks courtesy of Lyn. Wow, thank you so much for the sponsor guys! I love this night. 

Para mabati naman namin ang celebrant kya nag-open kami ng skype eh kaso ang dala kong laptop ay restricted at ang lahat na apps ay tinanggal ng IT namin. Ano ba yan! Kya ayon, end up downloading.. sana mag-work! Cross fingers! After 10 long years natapos din ang download. At nag-work naman. Hayzz.. Salamat at nakita din namin si Bonne mula sa malayong bayan na nasa labas ng Pilipinas. "Happy birthday, Bonne!" Eh sa kadahilanang ang bagal ng internet connection kya ilang minuto lang, minsan nga segundo lang napuputol na ang call. Bitin naman to masyado. Wala pang wifi. Pero ok lang kc sulit parin ang gabi dahil sa daming tawanan. Kahit na antok na si Rich, at si Jay busy sa game sa iPad ni Ms Girl masaya parin.

Lumalalim na ang gabi kya uwian na. Lakad papuntang sakayan ng jeep pero noong nakasakay na si Lyn, akala ko tuloy-tuloy na pero another round of tawanan pa. Kala ko nga di matatapos ang gabi eh. Sarap talaga, kc parang ayaw mong tapusin ang gabi dahil masaya lang. Parang walang inaalalang problema sa buhay.

Naman! Sa uulitin guys! Can't wait!