Ending, Robinsons Galleria!


May 20, 2013
Robinsons Galleria - Veranda

I kinda miss everyone of them. Good thing naisipan ni Ms Girl magpatawag ng coffee. Since mayroong bagong bukas na mall (SM Aura) na medyo malapit, sinaggest ko un. Accordingly, si Edlen ay on call sa bahay kaya di pwede, so sa Gateway, Cubao nalang daw. Meron akong babayarang bills kya kailangan maaga akong pumunta para makapag-ikot-ikot na din dahil matagal na ako hindi lumalabas ng bahay (even in the neighborhood). Pagdating na pagdating ko sa gateway, nagtext sa akin si Jay na sa Galleria nalang daw kc daw pupunta si Leo. Oh, well, nandoon na din lang ako, ikot-ikot muna ako sa mall hanggang sa hinanap ko nalang ang bago kong kinababaliwan ang Mango Cheesecake ng Blizzard! Yikz!
Wala palang Sun Cellular sa Gateway kya sa Robinsons Galleria nalang ako magbayad ng bill. Anyway, I think isa sa mga reason kung bakit di natuloy sa Gateway kc wala si Edlen. Aw! Treat ni Ms Girl coffee ko kya thank you so much. Nag-demmand pa ako ng Vanilla Cream - Venti (with the little help of SB coupon). LOL!
Hayz, bakit kya masaya kasama ang mga to kahit na walang napag-usapan kc busy ang lahat (Ms Girl sa laptop, Leo is working, Jay sa iPad so ako pretending sa maganda kong CP na walang cover). Just seeing them is more than enough to smile!

We Are Complete!


March 21, 2013
Starbucks Araneta, Cubao, QC

Hindi pangkaraniwan ang araw na to dahil may ipapakilala si Edlen sa Grupo. At dahil doon kumpleto kami. Ito palang ang pangalawang pagkakataon na kumplero ang SMAFTS. A rare moment!

Introducing Geraldyn Mae Lee, not yet an official girlfriend of Edlen (kasi sa 27th pa daw). Ah, di naman halata sa pictures eh. Mukhang ka-kilala nga lang nila eh. Hahaha.. Hula ko, bago maging official na mag-on sila nagkapalit na sila ng mukha. PEACE!

Naalala ko lang ang sinabi ni Jecelle kaninang umaga na nagulat sya kung bakit naka-polo si Edlen kc may date daw pala. Noong nakita ko nga, nagulat din ako. Mukhang pinaghandaan nga talaga ang araw na to. Nakz naman!

Nakaka-miss man ang ganitong pangyayari. Kaso di pwedeng magtagal ang karamihan kya nabitin ako sa pagkakataon. Parang ang dating tuloy every minute gusto mong i-treasure. Noong pagpaalam na sina Edlen kasama si Robert, umuwi na din kami. Shocks wala pa yatang isang oras kami magkasama.

Backtrack, si Leo naiinip ng maghintay sa amin sa SB dahil sa foodcourt ng Gateway kami nagkita-kita at kumain pa si Robert sa dala ni Ms Girl. Gusto ko pa din sana kumain kaso di na kami nakakain. Sabi pa nga ni Leo, nahihiya na daw sya sa mga nagtatanong ng upuan kc di nya binibigay dahil ni-reserve nya sa amin. Aw!

Leo is back!

March 8, 2013
Trampers Retailers, Inc.

Look who's with us? Leo is back! Oh, he just visited us for a cup of coffee. Hahaha!

First Meeting with Leo for 2013!


February 26, 2013
Veranda, Robinsons Galleria, QC

Nag-shopping si Leo tapos noong nagutom na sya, kumain muna sya sa Greenwich kya doon na namin sya kinatagpo. At dahil gutom na din kami ni Jay, kumain na din kami. Pagkatapos kumain dumiretso na kami sa SB. Doon na namin hinitay si Ms Girl. Sayang lang at di kami kumpleto. Di na tlga ata to mabuo. Hehehe..
Leo, Jay, Encef and Girlie

Happy Birthday Bonne!

February 5, 2013

Birthday ni Bonne kya let's celebrate! Ay wala pala sya, sige tyo nalang. Hehehe.. Nagkita-kita kami sa Market! Market! at kumain sa Shakey's, treat ni Ms Girl. Kasama namin ang tatlong officemates ni Ms Girl na dalawang OM at si Bam at kasama din namin ang kapatid ni Bonne na si Lyn. Daming pagkain kya super busog. Dahil di na naubos, binalot nalang ung iba. Pagkatapos kumain, nauna na ung mga officemates ni Ms Girl umuwi. Mukhang OP ba sila or sadyang awkward lang ung situation kc sila formal at kami jologs. Hahaha. Pag-alis nila, kulitan lang at tawanan. Pati ung waiter nakipagkulitan sa amin. Haha kulit lang. Pero dahil pasara na sila, kya lipat venue, this time Starbucks.

Balita ko libre parin ang drinks courtesy of Lyn. Wow, thank you so much for the sponsor guys! I love this night. 

Para mabati naman namin ang celebrant kya nag-open kami ng skype eh kaso ang dala kong laptop ay restricted at ang lahat na apps ay tinanggal ng IT namin. Ano ba yan! Kya ayon, end up downloading.. sana mag-work! Cross fingers! After 10 long years natapos din ang download. At nag-work naman. Hayzz.. Salamat at nakita din namin si Bonne mula sa malayong bayan na nasa labas ng Pilipinas. "Happy birthday, Bonne!" Eh sa kadahilanang ang bagal ng internet connection kya ilang minuto lang, minsan nga segundo lang napuputol na ang call. Bitin naman to masyado. Wala pang wifi. Pero ok lang kc sulit parin ang gabi dahil sa daming tawanan. Kahit na antok na si Rich, at si Jay busy sa game sa iPad ni Ms Girl masaya parin.

Lumalalim na ang gabi kya uwian na. Lakad papuntang sakayan ng jeep pero noong nakasakay na si Lyn, akala ko tuloy-tuloy na pero another round of tawanan pa. Kala ko nga di matatapos ang gabi eh. Sarap talaga, kc parang ayaw mong tapusin ang gabi dahil masaya lang. Parang walang inaalalang problema sa buhay.

Naman! Sa uulitin guys! Can't wait!