SMAFTS Year-End Party 2011

December 29-30, 2011
Jay's Place, Countryside, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City

Ito ang gathering ng SMAFTS to celebrate the Year-End together. Ang saya-saya namin dahil magkakasama na naman kami ulit after our Christmas Celebration. Hindi nga lang kami kumpleto kc may mga kanya-kanyang lakad ang iba. Hayzzz.. May bago ba don? Well, as expected. Pero tuloy parin dahil ang buhay ay parang Quiapo, madaming snatcher. Am, may connect ba? Wala lang, may maisulat lang. Hahahaha
 
Fisrt time naming makainum ng bagong Tanduay Ice. Hahahaha..
Dinner - Fried Chicken from Ma'am Honey
Breakfast at 11:20am - Hotdog ang Cornbeef with Hot Chocolate and Coffee
Lunch at 3pm - Tilapia at Hipon + Mayamaya from Jay's relative neighbor
Pagkatapos kina Jay nagkayayaan na ngayon na panoorin ang Segunda Mano (ano kya mga nakain neto). Tapos nag-agree ang lahat kya ayon, tuloy agad sa Megamall. 

Awarding of the Prize (courtesy of Leo) less tax (may ganun? Hahaha)

Kain muna kami sa.. Jollibee (ayaw ni Jay), Kamayan (mahal), Tokyo Tokyo (walang upuan) KFC (un oh!)

SM Megamall (Segunda Mano) then picture picture with other MMFF Entries!

SMAFTS Christmas Party 2011

December 22-23, 2011
Ms Girlie's Place, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna


This was the first ever Christmas Party of SMAFTS. Although we are not complete due to the prior commitments of others but still it was fun.

Ms Girlie prepared games that will surely remember the bloopers of the members and the cities we been to. We enjoyed a lot. Much than I expected. We even request to extend the games until 2am. We laugh, discuss or even argue every single bloopers we had until we separate ways in Manila.

Hayzzz.. Counting and excited for another years to come.

And hopefully this time, we are complete!

Because of this, I'm inspire to list down the bloopers that will make me smile every time I heard about it.

Jay:
- Direction: Left ( -----> ); Right ( <----- )
- With a HUGE bag
- Paulit-ulit

Norbs:
- Tulak pababa
- Naka-jacket na lamok


Starbucks at Robinsons Galleria Veranda


Robinsons Galleria Veranda (December 19, 2011)

Ito ang kauna-unahan sama ni Ashie sa grupo sa Starbucks. Si Robert nalang po ang kulang para makumpleto na ang SMAFTS.

SM Marikina


SM Marikina (December 6, 2011)

December 7, 2011 (ng madaling araw)

SM Guard: May inaantay pa po kyo ma'am? Kc sarado na po ang gate. Wala na pong Makapasok na taxi dito.
Gels: Sige ho, ok lang. Sa kabila nalang ho kami dadaan. Lakarin nalang ho namin.
(bumalik ulit same spills. hahaha.. ang kukulit kc ng mga to, walang balak umuwi)

Hayz! ganito talaga kapag so much to catch up for. Daming napag-usapan. Kadalasan mga walang kwentang bagay pero sarap pagtawanan. Ano nga ba ang sense kung bakit kami nagkita-kita ang hang-out. Nanjan lagi ang usapan na walang katuturan, asaran, kulitan, tawanan, minsan iyakan at syempre di nawawala ang picture-picture.

Kailangan mo alerto sa lahat ng pose mo dahil kasama nyo ay paparazzi. Hehehe.. Sino nga ba un? Nyahaha.

Robert-Eva Nuptial

November 18-20, 2011

Walang pahinga, gate crasher pa.

Ito na talaga ang araw na pinaka-aantay ni Robert. Ang araw ng kanilang kasal. Dahil sa di inaasahang pagkakataon, nagkulang ng tauhan sa kasal. Buti nalang isang tawag lang si Bonne para mag-proxy. Bait talaga ng pagkakataon.

Ang kasal ay gaganapin sa Dasmarinas, Cavite (este Reception pala) kya mula sa bahay ng kapatid ni Bonne sa Imus maaga kaming umalis ng bahay para sunduin ang groom sa Dasma bayan kasi ang sasakyan na aming inupahan ay gagawin pang Bridal Car. Ito din ang kauna-unahan naming pumasok sa bayan ng Dasma. Nakakatuwa lang kc ang liit pala ng bayan. Mas malaki pa ang sa highway kung saan nandon ang SM Dasma at Robinsons Dasma.

Out muna ako sa bayan, sa kasal muna tayo. Habang nag-aantay sa Bride at sa pag-aayos ng simbahay dahil ito'y kasalukuyang ginagamit para sa isang binyag, naghanap muna kami ng makainan kc wala pa kaming agahan. Pero wala kaming nakitang kainan kya huminto nalang kami sa isang tindahan at bumili nalang ng cup noddles. Sakto na yon pantawid gutom. Hehehe.. Tapos ng kumain, balik na tyo sa simbahan.

Di parin tapos ng binyag kya nagbihis muna kami. Picture picture muna. mayamaya ng kunti dumating na ang Mommy ni Robert. Ayon si mother, makulit din pala. Di mapagkailang anak nga nya si Robert sa kakulitan. Hahahaha.. natawa daw ako dito. Well, totoo un.

Sa wakas natapos na din ang binyag kya prepare na din kami sa simbahan. Ngayon palang maglalagay ng dekorasyon, oh san ka pa. Hehehe. Ilang sandali lang dumating na din ang ibang mga abay. mga ilang minuto lang dumating na din ang magandang Bride. Dito ko na nakita ang di maipintang mukha ni Robert. Mukhang ewan sa kaba.

Noong nagsimula na ang kasal, kahit papaano kumalma na ng kunti mukha ni Robert. Dahil ito na tlga. Wala ng atrasan to.

Ang ganda tlga ng Bride. Habang lumalakad papuntang altar, masasabi mo tlga na sya ang pinakamagada sa loob ng simbahang yon.

Natapos na ang kasal kya picture picture na. Si Ms Girlie ang ginawa naming photographer bukod sa kinuha nilang photographer. Syempre ang kuha namin ay para pang photo sharing lang. hehehe. Biglang nagbago ang mood ng photographer namin ng hinawi ng isang photographer dahil nahaharangan ito. Ayon, sira na ang araw. Paano ba naman kc sinabihan ba namang, "ang braso mo ms, tabi ng konti" yon oh. Hahahaha..

Uwian na nga lang. Driver namin si Edlen at syempre sa Bridal Car kami nakasakay. Hahahaha.. Walang ibang masakyan eh. At isa pa, un din ang sasakyang hiniram namin. Kulitan papuntang reception. May nadaanan pa kaming madaming bebe sa daan kya medyo nag-slow-down muna si Edlen para ag picture picture pero dahil makipot ang daan kya di kami pwedeng huminto kc may mga nakasunod sa aming sasakyan kya tuloy lang. Sobrang saya lang isipin na sakal este kasal na tlga si Robert.

Congrats Robert. We're happy for you. We wish you all the best. We love you both.

November 18, 2011
 Tagaytay City

November 19, 2011
Preparation before the wedding @ Imus, Cavite

 Breakfast (cup noodles)

 Picture picture muha habang naghihintay magsimula!

Tagaytay Picnic Grove, Tagaytay City

 Lemery, Batangas

Dinner @ Shakey's, Sta. Rosa. Laguna