Snow White & the Huntsman


June 6, 2012

Free daw si Ms Girl to meet us kya nag-text sya sa akin para kunin ang gift nya from Ashie (Mug). Syempre inimbitahan ko na din ang grupo kaso si Jay lang daw ang pwede. Kya kita-kits nalang kami sa Robinsons Galeria. Nauna akong dumating doon. Hanap muna ako ng ATM para maka-withdraw pero walang pera ang BPI sa 3rd floor ganun din sa ground floor. Umupo muna ako sa foodcourt para hintayin sila habang iniisip kung saan ako kakain na tatanggap ng Credit Card kc wala akong cash. Naunang nag-text si Jay kya sinalubong ko nalang sya para umakyat kami sa 3rd floor para sa Red Ribbon nalang kami kumain. Syempre, di mawawala ang paborito kung "Bangus ala Pobre with Ultimate Chocolate Cake".

Habang hinihintay ung pagkain namin, dumating na si Ms Girl. Kwentuhan muna. Labasan ng mga nararamdaman sa buhay. Mabigat sa damdamin ang mga napag-usapan kya di magandang balikan. Nakalimutan ko na nga. Ano nga un? Chos!

Pagkatapos kumain nag decide kami manood nalang ng movie na Snow White and the Huntsman para kahit papaano ma-divert ung mabigat na nararamdaman sa dibdib. Ika nga,"watching movies is the best excuse to cry".

Ang ganda ng movie. Hanga ako sa pag-arte ni Charlize Theron (The Queen) kasi ramdam mo ang bawat hinanakit nya. Mga binitawan nyang salita. At naasar ako sa kanya. Patunay lang un na magaling talaga sya para mainis ka sa kanya.

Habang enjoy kami sa panonood, syempre umingay ng kunti, biglang may bading sa harapan namin tumalikod at sinitsitan kami at ang sabi "Ssssst.. Wag nga kayong maingay!" ay waw, bongga. Ang yabang ng lola mo, kung makasitsit kala mo aso lang kami. Pwede namang makisuyo o di kya mahinahong sabihan kami diba? Hay nako, matandang hughugin. Asar! GRRRRR! Panira moments! Pero wala kaming pakialam syo. PANGIT! Hahahaha.